can thee world ever satisfy the emptiness in my heart?
have you read the lyrics of why cant i? haha diyos ko lord kabaliw noh? PANIS ba? sino?
PARA KAY TAKOY: ANG ALAALA NI BATMAN wahahaha. sige na nga. para satin na. wahahah sabi mo eh. lakas mo eh.
Ano ba yun…Bale, 1986 nung una kong nakilala si Batman. Wala pang ABS-CBN nun.Sa BBC2 pa nun eh, panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Walarin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda. Sikat pa si German Morenonun eh. Sabi ko, "Shit! Ang galing nito ah." Natulala ako nang unakong napanood si Batman. "Shit! Ang galing nito." sabi ko sa sariliko. "Ang galing galing galing galing ng itsura ni Batman. Parangkinatam ang mukha. Ang galing ng costume. Umuumbok ang dibdib perohindi pa rin bakat ang utong. At, ang galing ng gadgets niya, anggara ng kotse, ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles, anggaling mangarate. Actually, pulbos nga lahat ng kalaban niya eh.Palagi ko siyang pinapanood nang tuwing hapon. Palagi akongnakikipag-away sa katulong namin dahil gusto niyang manood ng Lotlotand Friends at saka That's Entertainment. Pero ako, isa lang talagaang gusto kong panoorin – siya ring na idol na idol na idol na idolko talaga (Idooool!).Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman. Dibale na si Robin. Ayoko si Robin kasi parang bading. Ano kaya angrelasyon nila ni Batman? Pero, idol ko talaga si Batman nun. Palagiko siyang dinodrawing. Palagi ko siyang ginagaya. Lahat ng mga bagayna Batman gusting-gusto ko at meron ako. Yung t-shirt ko Batman.Yung lunch box ko, Batman. Yung pencil case ko, yung panyo,sumbrero, yung toothbrush, yung brief ko, lahat yun Batman. Mahal namahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami palagi niya akongbinibili ng mga Batman na bagay. Pero minsan, gusto ko talaga ngBatmobile na laruan. Nagpabili ako sa kanya, sabi ko "Tay, bili monaman ako ng batmobile o." Pero, kakadaing lang niya sa trabaho nun,at wala daw siyang pera. Kasi kasali yata sa unyon, at wala siyangticket line kaya yun, natanggal. Kaya gumawa na lang siya ng tarak-tarak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ngtansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal.At paglumipas na ang mga taon na si Batman ay tuluyan nang naglahomula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng akingkamalayan, alam kong naroon pa rin si Batman - isang tahimik naaninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak atkwarto. At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin, nagulo naang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay, dumaan ang mgakasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo'y kaibigan peroyun pala'y tarantado, mga artistang araw-araw napapanood sa TV namga bobo, mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang angsuweldo, isang milyong limpak na mga problema, isang bahada ng mgahinanakit sa mundong hinagpis. Hindi ko na matagalan. Hindi ko namatiis. Hindi ko na kaya.Ngayon, hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na talaga kaya! Hindi kona kaya! May narinig akong putok na nasa kaibuturan ng aking utak.Bumigay na ang tali! Sumabog na ang bulkan! Nabasag na ang pula!Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi, ako ay narito na satuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala. Ang sarap nghangin na umihip-ihip sa aking kapa. Nakataas ang aking mga kamay!Nakataas na ang aking mga kamay! Malapit na akong lumipad! Malapitna akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Lipad, Batman, lipad!Lumipad ka! Lumipad ka! Lumipad ka papuntang langit! Lumipad ka!Lumipad ka! Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mgakamay!Eh pero, bigla kong naisip hindi naman pala lumilipad si Batman,diba? Hindi naman pala lumilipad si Batman. Hindi naman palalumilipad si Batman. Kaya paalam, malupit na mundo. Paalam, mahal.Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po. Lolo satuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po. Bantay, paalam. Muning,paalam. Ewan ko kung sinong magpapakain sa inyo. Paalam po, AlingTekla. Paalam po, Mang Gorio. At saka ko na lang po babayaran yungsukang inutang ko sa inyo. Paalam, Jun-jun. Paalam, Bong-bong, Ba-bye Rose, Hoy! Ba-bye, Ba-bye, Baby. Ba-bye, Pablo…
sakit sa ulo. haha.ano?
1:45 PM
